Binuksan kahapon, Biyernes, Hunyo 1 2018, sa Singapore, ang 3-araw na Ika-17 Shangri-La Dialogue.
Kalahok sa pulong ang mahigit 600 tauhan, na kinabibilangan ng mga ministro ng tanggulan ng 17 bansa, at mga mataas na opisyal at iskolar mula sa 40 bansa.
Sa pulong na ito na nagtatampok sa seguridad sa Asya-Pasipiko, kabilang sa mga paksa ay humuhupang krisis na nuklear sa Korean Peninsula, pagbabago sa kaayusang panseguridad sa Asya, paglaban sa terorismo, rehiyonal na kooperasyong panseguridad, at iba pa.