Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Chancellor ng Alemanya: Dapat pahigpitin ng Europa ang unipikasyon at kooperasyon sa Tsina at iba pa

(GMT+08:00) 2018-06-12 12:20:31       CRI

Noong gabi ng ika-10 ng Hunyo, 2018, ipinahayag ni Angela Merkel, Chancellor ng Alemanya na "sobering" at "disheartening" ang kanyang pakiramdam tungkol sa naging desisyon ni Donald Trump, Pangulo ng Amerika sa G7 Summit. Aniya, dapat hindi madaling umasa ang Europa sa Transatlant Partnership, dapat pahigpitin nila ang unipikasyon at pagkakaroon ng kooperasyon sa iba pang panig na gaya ng Tsina.

Ipinahayag ito ni Merkel nang kapanayamin siya ng ARD ng Alemanya. Tinukoy niya, hindi lubusang mababalewala ang framework ng G7, pero, dapat humanap ang Alemanya ng pagkakataon para sa pagkikipagdiyalogo sa Rusya, at pahigpitin ang pagkikipagtutulungan sa Tsina, Hapon, Kanada at Indya.

Ipininid kamakailan sa Canada ang G7 Summit. Nagkakaiba ang palagay ng mga kasaping bansang kinabibilangan ng Amerika, Kanada, Alemanya, Pransya, at iba pa hinggil sa mga isyung may-kinalaman sa taripa, pagbabago ng klima, at iba pa. Samantala, ipinalabas ng summit ang isang magkasanib na kumunike, pero, tinanggihan ito ng Amerika.

salin: Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>