Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalihim Cayetano, pinapurihan ang ideya ni Pangulong Xi hinggil sa pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig

(GMT+08:00) 2018-06-14 12:29:00       CRI
Kaugnay ng pananaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig sa katatapos na Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), ipinahayag kamakailan ni Alan Peter Cayetano, Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA) ng Pilipinas, na matatag siyang nananalig na kung magtuturingang magkapamilya ang mga kapitbansa, tiyak na magkakaroon ng biyaya ang isa't isa. Dagdag pa ni Cayetano, hindi lamang ang mga kapitbansa ang uunlad, kundi, ang buong rehiyon din ay magtatamo ng benepisyo mula rito.

Noong ika-10 ng Hunyo, 2018, idinaos ang Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa Lunsod ng Qingdao, Lalawigang Shangdong sa dakong silangan ng Tsina. Ito ang unang summit ng SCO makararaan nitong palawakin ang mga miyembro. Sa talumpati ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina, ipinaliwanag niya ang "Shanghai Spirit," at inilahad ang pakikitungo ng Tsina at SCO hinggil sa pag-unlad ng SCO, relasyon ng SCO at iba pang organisasyong pandaigdig, at pamamahala ng daigdig: bagay na pinapurihan ng iba't ibang sektor ng mundo.

Nanawagan din si Pangulong Xi sa iba't ibang panig na magkakasamang itatag ang Community with Shared Future ng SCO, at pasulungin ang pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig para sa isang mundong may pangmatagalang kapayapaan, seguridad, komong kasaganaan, pagpaparaya at kagandahan.

salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>