Sa isang news briefing pagkaraan ng katatapos na Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), ipinahayag ni Vladimir Putin, Pangulo ng Rusya na ayon sa kumpirmasyon ng International Monetary Fund (IMF), batay sa purchasing power, nalampasan na ng kabuuang halaga ng kabuhayan ng SCO ang kabuhayan ng G7. Ito ay nagpapakitang may malawak na prospek ang kooperasyon ng SCO, aniya pa. Dagdag ni Putin, napakabilis ang paglaki ng kabuhayan sa rehiyong ito, at ito ay nagdudulot ng benepisyo sa iba pang bansa.
Noong ika-10 ng Hunyo, 2018, ipininid ang Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa Lunsod ng Qingdao, Lalawigang Shangdong sa dakong silangan ng Tsina. Ito ay unang summit ng SCO pagkaraan ng paglawak ng mga miyembro. Sa kanyang mahahalagang talumpati, ipinaliwanag ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina ang "Shanghai Spirit," at inilahad ang responsableng pakikitungo ng Tsina at SCO hinggil sa pag-unlad ng SCO, relasyon ng SCO at iba pang organisasyong pandaigdig, at pamamahala ng daigdig: bagay na pinapurihan ng iba't ibang sector ng mundo.
salin:Lele