Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ministri ng Komersyo ng Tsina, nagkomento sa inilabas na hakbangin ng taripa ng Amerika

(GMT+08:00) 2018-06-16 09:41:55       CRI
Kaugnay ng hakbanging pangkalakalan laban sa Tsina na inilabas nitong Biyernes, ika-15 ng Hunyo 2018, ng Amerika, ipinahayag nang araw ring iyon ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na pagdating sa isyu ng kalakalan, isinagawa na ng dalawang bansa ang ilang round ng pagsasanggunian, para malutas ang pagkakaiba, at maisakatuparan ang win-win.

Ikinalulungkot aniya ng Tsina, na sa kabilang ng mga narating na komong palagay, laging nagbabago ang Amerika, at inilunsad ang "trade war." Ito ay buong tatag na tinututulan ng Tsina, dahil ito ay makakapinsala sa interes ng kapwa panig, at pandaigdig na kaayusang pangkalakalan, dagdag ng tagapagsalita.

Sinabi ng nabanggit na tagapagsalita, na ayaw lumahok ang Tsina sa trade war, pero dapat ipagtanggol ng Tsina ang interes ng bansa at mga mamamayan, at pangalagaan ang globalisasyong pangkabuhayan at multilateral na sistemang pangkalakalan. Aniya, ilalabas ng Tsina ang hakbangin ng pagpataw ng taripa, na katulad ng iyon ng Amerika, at mawawalang-bisa ang mga bungang natamo ng dalawang panig sa mga nagdaang pagsasanggunian.

Tinukoy din ng tagapagsalita, na sa kasalukuyan, ang pagsasagawa ng trade war ay di-angkop sa interes ng buong mundo. Nanawagan aniya ang Tsina sa iba't ibang bansa, na magkakasamang tutulan ang ganitong aksyon, at ipagtanggol ang komong interes ng sangkatauhan.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>