Ngayong araw, ika-18 ng Hunyo 2018, ay Duanwu Festival, o tinatawag ding Dragon Boat Festival, isa sa 4 na pangunahing tradisyonal na kapistahan ng Tsina.
Sa iba't ibang lugar ng Tsina, ipinagdiwang ng mga mamamayan ang kapistahang ito, sa pamamagitan ng tradisyonal na paraan, na gaya ng pagsasagawa ng karera ng dragon boat, paggawa at pagkain ng Zongzi o sticky rice dumpling, pagkakaroon ng herbal tub bath, at iba pa.
Ang Duanwu Festival din ay inilakip ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization sa listahan ng mga intangible cultural heritage ng daigdig.
Salin: Liu Kai