Napag-alaman Hunyo 21, 2018, mula sa China Disabled Persons' Federation (CDPF), na ipinalabas na ang pambansang istandard ng sign language at braille ng Tsina, at ito ay isasagawa sa unang araw ng Hulyo.
Ayon sa datos, may mahigit 30 milyong may kapamsanan sa pagdinig at paningin sa Tsina.
Isinalaysay ni Li Dongmei, Pangalawang Direktor ng Departamento ng Edukasyon at Paghahanap-buhay ng CDPF na marami ang mga dialekto sa Tsina, at magkakaiba ang mga sign language na ginagamit sa iba't ibang lugar, kaya, mahalaga ang pagsasagawa ng pambansang istandard.
salin:Lele