Binuksan Hunyo 26, 2018 sa Mumbai, India ang ikatlong taunang pulong ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Ang tema ng pagtitipong ito ay "Mobilizing Finance for Infrastructure: Innovation and Collaboration."
Ipinatalastas ni Jin Liqun, Presidente ng AIIB ang pagtanggap sa Lebanon bilang ika-87 kasapi ng bangko.
Sa seremonya ng pagbubukas ng pulong, ipinahayag ni Punong Ministro Narendra Modi ng India na bilang resulta ng magkasamang pagsisikap ng mga bansang Asyano, ang AIIB ay nagsisikap para lumikha ng mas magandang hinaharap ng mga mamamayang Asyano.