Nitong Sabado, Hunyo 30, 2018, pormal na nagsimula ang aktibidad ng "China-friendly Netizens Harbin Tour" na magkasamang itinaguyod ng China Media Group CRI Online at Tanggapan ng Impormasyon ng pamahalaan ng Harbin. Sa limang araw na biyahe, bibisita sa Harbin mga dayuhang panauhin mula walong (8) bansang gaya ng Romania, Ukraine, Serbia, Myanmar, at Pilipinas para maranasan ang pagbabago ng lunsod ng Harbin nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas.
Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga dayuhang panauhin, ipinahayag ni Liu Changhe, Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Bayang Tonghe ng Harbin, ang mainit na pagtanggap sa delegasyon. Inilahad niya ang kalagayan ng pag-unlad ng bayang Tonghe sa mga aspektong tulad ng agrikultura, at turismong ekolohikal. Aniya, ang "Tonghe rice" at "corylus heterophylla" ay dalawang malaking sandigang industriya ng bayang ito. Bukod dito, ang bayang Tonghe ay nagsisilbing demonstration city ng bansa sa turismo ng kagubatan, ani Liu.
Dagdag ni Liu, inaasahan niyang sa pamamagitan ng aktibidad na ito, aktibong mapapasulong ang pagsapi ng bayang Tonghe sa "Belt and Road" Initiative, at mapapalalim ang pagkakaibigan sa pagitan ng Tonghe at iba't-ibang bansa sa daigdig.
Inilahad naman ni Duan Shuang, Deputy Editor in Chief ng CRI Online at Puno ng nasabing delegasyon, ang mga kaukulang kalagayan ng serye ng aktibidad ng "Biyahe ng mga Dayuhang Panauhin sa Tsina." Sinabi niya na bilang isa sa mga kilalang kolum sa aktibidad ng CRI Online, maraming beses nang isinagawa ang "Biyahe ng mga Dayuhang Panauhin sa Tsina" nitong mga taong nakalipas. Aniya, sa pamamagitan ng pagbisita sa Tsina ng mahigit isang daang dayuhang panauhin mula sa mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road," inilahad nila ang Tsina sa kanilang mata, bagay na nagbigay ng mainam na bunga sa pagpapalaganap.
Salin: Li Feng