Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Presyur ng Amerika, walang bisa: Kataas-taasang lider ng Iran

(GMT+08:00) 2018-07-01 20:50:14       CRI

Ipinahayag ni Ayatollah Ali Khamenei, Kataas-taasang Lider ng Iran na walang bisa ang ipinapataw na presyur na pangkabuhayan at pampulitika ng Estados Unidos.

Ito ang ipinahayag ni Khamenei sa kanyang paglahok sa isang seremonya Sabado Hunyo 30, sa Imam Hussein University sa Tehran, kabisera ng bansa.

Idinagdag pa niyang magbubuklod ang mga mamamayan ng Iran laban sa presyur ng Amerika.

Nitong nagdaang Mayo 8, ipinatalastas ni Pangulong Trump ang pag-urong ng Amerika sa Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) o

Iran nuklear deal, at muling pagpapataw ng sangsyon laban sa Iran.

Nitong nagdaang Martes, sinabi ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na hiniling na nito sa mga bansa na itigil ang pag-aangkat ng langis mula sa Iran.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>