Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Opisyal ng Sri Lanka: ang ulat hinggil sa "debt trap " ay hindi totoong impormasyon

(GMT+08:00) 2018-07-05 16:27:17       CRI

Kamakailan, iniulat ng ilang media ng Amerika na ang proyekto ng Tsina sa Hambantota Port ng Sri Lanka ay di umano'y isang "debt trap" at ang kooperasyon ng Tsina at Sri Lanka ay mayroong "layuning militar". Nang kapanayamin ng CRI, ipinahayag ni Kassapa Senarath, mataas na opisyal ng Colombo ng Sri Lanka na ang naturang pagbatikos sa Tsina ng mediang Amerikano ay mayroong layuning pulitikal.

Tinukoy niya na mula sa mga sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan, hindi sinalakay ng Tsina ang Sri Lanka o isinagawa ang pananakop pangmilitar dito. Bagkus, ginawa ito ng ibang mga bansa. Natamo ng mga mamamayang Tsino ang kahanga-hangang bunga sa kabuhayan ngayon sa pamamagitan ng tunay na pagsisikap. Inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ideya ng kooperasyon at win-win, dahil inaasahan niya na pasulungin ang magkakasamang pag-unlad ng Tsina at mga ibang bansa.

Ipinahayag ni Kassapa Senarath na ang imprastruktura ay mahalagang elemento ng pag-unlad ng isang bansa. Kung walang imprastruktura, hindi maaaring pasulungin ang anumang pag-unlad. Bilang mahalagang bansa sa Indian Ocean, dapat samantalahin ng Sri Lanka ang pagkakataon ng pag-unlad na ito at tumpak na gamitin ito. Sa proseso ng konstruksyon ng imprastruktura, hindi mahalaga ang pagpustura, ang mahalagang bahagi ay aktibong paghahanap ng paraan ng pagpapasulong ng kasalukuyang proyektong pangkooperasyon para isakatuparan ang all-win result ng iba't ibang panig.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>