Nagpalabas ng ulat nitong madaling araw, ang Consulate General ng Tsina sa Songkhla, Thailand, na hanggang alas-4 ng ngayong umaga, isang turistang Tsino ang namatay dahil sa paglubog ng mga bapor sa Phuket, 53 iba pa ang nawala, at 50 sa mga ito ay Tsino. Nailigtas na ang 76 na iba pang turistang Tsino.
Ayon sa ulat, noong alas-5 ng hapon ng ika-5 ng Hulyo, dalawang bapor na may lulang 127 turistang Tsino ay kinatagpo ng napakagrabeng bagyo at lumubog habang papauwi ang mga ito sa Phuket.
salin:Lele