Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Robert Kagan: Amerika, posibleng maging rogue superpower

(GMT+08:00) 2018-07-06 09:40:17       CRI
Ayon sa isang poll na inilabas kamakailan ng Rasmussen Reports, pinalalagay ng halos sangkatlo ng mga katugong Amerikano na "posibleng sumiklab ang ika-2 digmaang sibil sa Amerika sa loob ng susunod na 5 taon." At ayon pa rin sa isang ulat ng United Nations (UN) hinggil sa kahirapan at di-pagkakapantay-pantay sa Amerika, ang pagbabawas ng buwis na nakakahalaga ng 1.5 trilyong dolyares ng pamahalaan ni Donald Trump ay "nagbibigay ng benepisyo sa mga mayaman, at nagpalala sa di-pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mayayaman at mahihirap ng Amerika."

Pokus ng maraming pagpula ang patakarang diplomatiko ng pamahalaan ni Trump. Inilabas kamakailan ni Robert Kagan, senior research ng Brookings Institution, at itinuturing bilang pinakarespetadong "neoconservative foreign-policy commentator" sa Amerika, ang artikulong nagsasabing ang Amerika ay posibleng maging "rogue superpower." Tinukoy niyang ang mga aksyon ni Pangulong Trump sa mga isyu ng kalakalan, kasunduang nuklear ng Iran, gastusing pandepensa ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), at isyu ng Korean Peninsula, ay nagpapakitang puwedeng labagin ni Trump ang limitasyong sinusunod ng mga dating pangulo sa moralidad, ideolohiya, at estratehiya.

Sapul nang manungkulan si Trump bilang pangulo, magkakasunod na tinalikuran ng Amerika ang mga mahalagang pandaigdigang kasunduang gaya ng Trans-Pacific Partnership (TPP), Paris Agreement ng UN, Joint Comprehensive Plan of Action on Iranian Nuclear Issue, at umalis din ang Amerika sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) at UN Human Rights Council. Iniulat din ng media ng Amerika ang balak ni Trump na pag-alis sa World Trade Organization (WTO). Sa kabila ng matinding pagtutol ng iba't ibang bansa ng daigdig, inilunsad ng pamahalaan ni Trump ang "trade war," sa mga bansang kaalyado at hindi, gaya ng Unyong Europeo, Kanada, Mexico, Tsina, Hapon, at Timog Korea.

Sa "Araw ng Kalayaan" ng Amerika, noong Hulyo 4, 2018, pinuna ni Trump ang pagtaas ng presyo ng langis ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC), at hiniling niyang pababain ang presyo sa kaniyang Twitter account. Ang lahat ng mga aksyong ito ay nagpapakitang ang kasalukuyang pamahalaan ng Amerika ay handang balewalain ang kasalukuyang regulasyong pandaigdig.

Sa loob ng mahabang panahon, ang Amerika ay umasta bilang "global sheriff," at madalas na binansagan nito ang iba pang bansa ay mga "rogue states." Pero, ikinababalisa ng komunidad ng daigdig ang aktuwal na ipinakikita ng Amerika. Kung ang nag-iisang superpower ay magiging rogue superpower, ito ay magiging malaking problema ng daigdig.

salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>