![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
He Zhenwei, Pangkalahatang Kalihim ng CODA
Beijing – Sa preskon na idinaos, Hulyo 5, 2018 ng China Overseas Development Association (CODA), isiniwalat He Zhenwei, Pangkalahatang Kalihim ng CODA, na idaraos sa Barangay Tuole, Lunsod ng Panzhou ng Lalawigang Guizhou, Nobyembre 8 hanggang 10, 2018 ang China-ASEAN International Production Capacity Cooperation, na kilala rin sa tawag na Tuole Forum at China Overseas Investment Fair (COIFAIR) – Tuole Branch.
Glenn G. Penaranda, Commercial Counsellor ng Pilipinas sa Tsina
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Glenn G. Penaranda, Commercial Counsellor ng Pilipinas sa Tsina, na ang bilateral na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay nasa pinakamainam na panahon, at ito'y nagbibigay ng kaaya-ayang plataporma para sa pagpapalakas ng kolaborasyon at pagtutulungan.
Aniya pa, pakikipagtulungan at pagkakaibigan ang alok ng Pilipinas sa Tsina.
Maaari aniyang magkomplimento at magkooperasyon ang dalawang bansa upang mapalakas ang negosyo, hindi lamang sa bilateral, kundi sa pandaigdigang paraan din.
"Inaanyayahan namin ang Tsina, na makipag-partner sa Pilipinas at itayo ang magkasamang kapakanan," ani Penaranda.
Hinihimok din aniya ng Pilipinas ang mga negosyanteng Tsino na maglagak ng puhunan sa Pilipinas, sa mga sektor na gaya ng manupaktura, agrikultura, pangingisda, panggugubat, imprastruktura, lohistika, serbisyong pangkalusugan, pabahay, kalikasan, enerhiya, pasilidad at serbisyong panturismo, at IT-enabled na serbisyo.
Noong 2017, ang Tsina ay ang ika-8 pinakamalaking pinagmumulan ng dayuhang puhunan ng Pilipinas, at ito ay may pangkalahatang aprubadong lagak na puhunang nagkakahalaga ng USD 44 milyon.
Ang puhunang ito ay nasa real estate (53%), manupaktura (30%), at transportasyon at pag-iimbak (6%).
Samantala, ang netong direktang dayuhang puhunan mula sa Tsina noong Enero hanggang Pebrero 2018 ay nagkakahalaga ng mahigit USD163 milyon, na 466% mas malaki kumpara sa mahigit USD28 milyon ng buong 2017.
Ani Penaranda, ito ay patunay ng napakalakas na interes at potensyal ng puhunang Tsino sa Pilipinas.
Pinasalamatan din ni Penaranda ang mga tulong na ipinagkakaloob ng Tsina sa Pilipinas, sa ibat-ibang sektor at larangan ng bansa.
Presentasyon hinggil sa Tuole Forum
Ang Tuole Forum ay isang mekanismo ng kooperasyon hinggil sa International Production Capacity, kasama na ang turismo, impastruktura, transportasyon, pagmimina ng mga mineral, at marami pang iba upang bigyan ng malaking benepisyo ang mga mamamayang Tsino at ASEAN.
Ito'y sinimulan noong 2016 sa Barangay Tuole, Lunsod ng Panzhou ng Lalawigang Guizhou, Tsina.
2018 IICCF at Ika-10 COIFAR
Maliban sa Tuole Forum at COIFAIR – Tuole Branch, idaraos naman sa Setyembre 15 hanggang 16, 2018, sa China National Convention Center sa Beijing, ang 2018 International Industrial Capacity Cooperation Forum
(IICCF) at Ika-10 COIFAR.
Ayon kay He Zhenwei, ang pagdaraos ng dalawang naturang kaganapan ay natataon sa ika-5 anibersaryo ng Belt and Road Initiative (BRI) na ideya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at ika-40 anibersaryo ng pagbubukas sa labas ng Tsina.
Sinabi pa ni He, sasamantalahin ng COIFAIR ang tamang pagkakataon upang makagawa ng komersyal na oportunidad, na nakapokus sa layunin ng mataas na kalidad na pag-unlad, pagpapalalim ng kooperasyon sa international capacity, upang makapagdulot ng bagong koneksyon para sa pandaigdigang negosyo at maglagay ng bagong buhay sa prosperidad ng pandaigdigang ekonomiya.
Tuole Forum
Samantala, sa kauna-unahang pagkakaton, ang pamahalaan ng Lunsod ng Liupanshui sa Lalawigang Guizhou ay lalahok sa Ika-10 COIFAIR bilang partner, aniya pa.
Ipakikilala nila ang kanilang bagong uri ng negosyo at kakayahang tulad ng big data, na nagpapakita ng karakteristikong pang-ekonomiya at pag-unlad sa inobasyon; pagho-host ng mga espisipikong porum; at pagtatayo ng plataporma para sa investment promotion at attraction, dagdag ni He.
Sa ilalim ng temang "Explore New Approaches to Overseas Investment and Drive Global Economic Growth," ilulunsad aniya ng Ika-10 COIFAIR ang maraming nilalamang tulad ng high-level dialogue; investment forum; capacity promotion at project matching; pagtitipon ng mga domestiko at dayuhang entidad, may-kaugnayang departamento ng pamahalaan, internasyonal na organisasyon, eksperto at iskolar.
Sila'y magpupulong at magpapalitan ng pananaw tungo sa mas mahigpit at mabuting kooperasyon at pagkakaibigan, sabi pa niya.
Ulat: Rhio
Larawan: Lito
Edit: Jade/Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |