Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-7 World Peace Forum, binuksan

(GMT+08:00) 2018-07-14 18:20:59       CRI
Binuksan ngayong araw, Sabado, ika-14 ng Hulyo 2018, sa Beijing, ang Ika-7 World Peace Forum.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Yang Jiechi, Puno ng Tanggapan ng Central Foreign Affairs Commission ng Tsina, na nakahanda ang kanyang bansa, kasama ng iba't ibang bansa ng daigdig, na isakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan at panlahat na katiwasayan, itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, at ibayo pang pasulungin ang usaping pangkapayapaan ng daigdig.

Sinabi rin ni Yang, na ang Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina ay naglalayong palawakin ang pagbubukas sa labas ng Tsina, at pasulungin ang kooperasyong pandaigdig. Ito aniya ay mahalagang bahagi ng pagsisikap ng Tsina, para itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.

Ang World Peace Forum ay isang di-opisyal na pandaigdig na porum hinggil sa katiwasayan, sa ilalim ng pagtataguyod ng Tsina. Ang tema ng kasalukuyang porum ay "Constructing a Security Community: Equality, Equity and Justice."

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>