Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gobernador ng ilang estadong Amerikano: dapat pasulungin ang kooperasyon ng Amerika at Tsina sa kabuhayan, kalakalan, at pamumuhunan

(GMT+08:00) 2018-07-22 15:14:24       CRI
Sa pulong ng National Governors Association ng Amerika, na ipininid kahapon, Sabado, ika-21 ng Hulyo 2018, ipinahayag ng ilang gobernador, na kinabibilangan nina John Hickenlooper, Gobernador ng Estado ng Colorado; Gary Herbert, Gobernador ng Estado ng Utah; at iba pa, na dapat pahalagahan ang mapagkaibigang relasyon ng Amerika at Tsina sa kabuhayan at kalakalan. Nanawagan sila para palakasin ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan ng Amerika at Tsina, at pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan, kalakalan, at pamumuhunan.

Ipinahayag din ng mga gobernador ang pagduda sa kasalukuyang mga hakbanging pangkalakalan ng administrasyon ni Donald Trump. Ipinalalagay nilang ang alitang pangkalakalan na sinimulan ng pamahalaan sa buong daigdig ay hindi lamang nakakaapekto sa pagluluwas ng mga produkto ng agrikultura at ibang industriyang may bentahe ng Amerika, kundi rin nagdudulot ng kawalang-katatagan sa pag-unlad ng maraming bahay-kalakal na Amerikano.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>