Ang sentro ng auction ng mga bulaklak ng Kunming, Yunnan, sa timog kanluran ng Tsina ay may pinakamalaking saklaw ng pagpapalitan ng mga bulaklak sa Asya, at nasa ikatlong puwesto sa daigdig. Ang presyo ng mga bulaklak sa sentrong ito ay nakakatapekto sa tunguhin ng presyo sa iba't ibang lugar ng Tsina.
Ang Lalawigang Yunnan ay pinakamalaking base ng pagtatanim ng mga bulaklak ng Tsina. Upang makatulong sa mga magsasaka ng bulaklak, itinatag ng pamahalaan ng Yunnan ang sentro ng auction ng mga bulaklak noong Hulyo ng 2001. Sa kasalukuyan, ang auction ay nagiging pangunahing paraan ng pagpapalitan ng mga bulaklak ng Yunnan.
Salin:Lele