![]( /mmsource/images/2018/07/27/f5cdf35cccdd4a73a0faec1f987f135e.jpg)
Sa kanyang pagdalo sa Ika-10 BRICS Summit sa Johannesburg, Timog Aprika, bumigkas Hulyo 26, 2018 si Xi Jinping ng talumpating pinamagatang "Turn Our Vision into a Reality".
Sa talumpati, ipinaliwanag ni Xi ang mga katangian ng bagong industrial revolution, iniharap din niya ang mga mungkahi hinggil sa hinaharap ng kooperasyon ng BRICS, at binigyan-diin niyang dapat magkakasamang magsisikap ang 5 bansa ng BRICS para mapasulong ang pagiging bukas, inklusibo, malinis at magandang daigdig na may pangmatagalang kapayapaan, malawak na seguridad, at komong kasaganaan.
![]( /mmsource/images/2018/07/27/f7118f7dd7c84986b9f654dcb539cb4e.jpg)
Ani Xi, dapat tumugon ang mga bansa ng BRICS sa kabuuang tunguhin ng kasaysayan at palalimin ang estratehikong partnership para maisakatuparan ang hangarin ng ikalawang "Golden Decade."
salin:Lele