Ipinahayag Hulyo 31, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isinagawang pambansang halalan sa Kambodya ay nagsisilbing usaping pambansa. Umaasa aniya siyang magbibigay-galang ang komunidad ng daigdig sa mithiin ng mga mamamayang Kambodyano.
Ayon naman sa ulat, pagkaraan ng pambansang halalan ng Kambodya, ipinahayag ng Amerika at Unyong Europeo, na dahil hindi lumahok sa halalan ang mga pangunahing partido oposisyon ng Kambodya, walang kalaban at may kakulangan sa katotohanan ang halalang ito. Ipinahayag din ng Amerika na isasagawa nito ang limitasyon sa visa issuance sa Kambodya.