Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong partido, nadaragdagan ng kasapi

(GMT+08:00) 2018-08-04 17:20:57       CRI

SA likod ng mga pahayag na hindi kakandidato sa pangbansang posisyon si Mayor Sara Duterte, pinasumpa niya sa kabubuong Hugpong ng Pagbabago sa Tagum, Davao del Norte sina Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Senador na sina JV Ejercito at Cynthia Villar at maging si Davao del Norte Congressman Antonio Floirendo at si Special Assistant to the President Bong Go.

Una ng binanggit ni Governor Marcos na suportado niya ang HNP at dumalo pa sa unang pagtitipon sa paglulunsad ng Tapang at Malasakit program.

Sinabi na ni Mayor Sara Duterte Carpio na handa ang kanyang grupo na makipag-alyansa sa iba pang partido political.

Accredited ng Comelec ang HNP bilang isang regional party. Nabuo ang HNP kasama ang apat na gobernadora ng Region 11 na may bendisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Makakasabay ang HNP ng Partido ng Demoktratikong Pilipino-Lakas ng Bayan at Liberal Party sa paglulunsad ng mga kandidato para sa iba't ibang posisyon sa darating na halalan sa Mayo, 2019.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>