Ang panahon ngayon ay "peak season" ng mga inaangkat na mga prutas mula sa Timog-silangang Asya sa pamilihan ng Tsina, at pumapasok sa bansa ang mga tropical fruits na gaya ng durian, mangosteen, at longan na tinatangkilik ng mga mamimili sa mga malaking lunsod ng Tsina.
Ang lunsod ng Pingxiang ng Rehiyong Awtnomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ay pinakamalaking port ng pag-aangkat at pagluluwas ng prutas sa Tsina. Ito ay tinatawag bilang "China-ASEAN Fruit Capital," isang kuwarter ng mga inaangkat na prutas sa buong bansa ay pumasok sa pamamagitan ng port ng Pingxiang. Noong unang hati ng taong ito, 560 libong toneladang prutas ang inangkat mula sa Pingxiang, at ito'y lumaki nang 30% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
salin:Lele