Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Fishery agreement kailangan

(GMT+08:00) 2018-08-08 16:11:56       CRI

SAMANTALANG hinihintay ang kalalabasan ng Code of Conduct sa pagitan ng mga bansang mayroong sala-salabat na paghahabol sa bahagi ng South China Sea, sinabi ni Secretary Alan Peter S. Cayetano na pabor siyang magkaroon ng kasunduan hinggil sa pangingisda.

Makatutulong umano ang bagay na ito. Niliwanag ng kalihim na mayroong ugnayang nagaganap sa pagitan ng Pilipinas at Tsina at sa oras na maging maganda ang kalalabasan nito ay inaasahang lalawak ang bilang ng mga bansang magkakaroon ng interes na makipagkasundo sa larangan ng pangingisda.

Nakausap na rin umano niya ang kanyang kapwa kalihim mula sa Vietnam sapagkat nagkaroon na rin ng mga isyung bumabalot sa pagitan ng mga mangingisda ng dalawang bansa.

Samantalang magandang kaisipan ang pagkakaroon ng kasunduan sa pangingisda, isang problema ang pagpapatupad ng nilalaman ng kasunduan. Ani Secretary Cayetano, ito ba ay ipatutupad ng Chinese o Philippine Coast Guard.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>