Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Prayoridad ng pamahalan ang kaligtasan ng mga Filipino sa ibang bansa

(GMT+08:00) 2018-08-08 16:25:16       CRI

NABABAHALA ang pamahalaan sa kalagayan ng mga manggagawang Filipino na dinukot kamakailan sa Libya. Hindi pa mabatid kung anong grupo ang nasa likod ng pagdukot.

Naglalayon umanong tumulong ang mga binihag na mabigyan ng dalisay na tubig na maiinom ang bansang Libya.

Kabilang si Secretary Roy Cimatu, dahil sa kanyang kaalaman sa mga nagaganap sa Gitnang Silangan at marami ring mga kaibigan kaya't kabilang siya sa high-level team. Kasama rin si Secretary Cayetano, Labor Secretary Silvestre Bello, Armed Forces of the Philippines at iba pa.

Nahihirapan din ang Libya na malutas ang pagdukot tulad rin ng mga banyagang nadukot ng mga Abu Sayyaf sa mga nakalipas na panahon.

Wala pang ransom demand ang mga dumukot, dagdag pa ni Secretary Cayetano. Nakabantay ang mga diplomata ng Pilipinas sa Libya at anumang oras ay maaaring sunduin ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga manggagawang Filipino na nasa Libya.

Umaasa si Secretary Cayetano na makauuwi rin ang mga binihag na manggagawa sa pinakamadaling panahon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>