![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Sumuong sa ulan o araw, ito ang hakbang ng mga mamamayang Tsino para magkaroon ng mas mabuting pamumuhay. Ito ay isang quote sa komentaryo sa wikang Tsino na inilathala sa People's Daily, pahayagang may pinakamalaking sirkulasyon sa Tsina.
Sa 4,700 karakter na artikulong pinamagatang "Lumikha ng Mas Mabuting Pamumuhay, Umulan man o Umaraw," nasasaad ang pag-unlad at reporma ng bansa sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina noong 1949 at ang pakikitungo ng mga mamamayang Tsino sa mga kinakarap na hamon.
Sinipi ng artikulo ang inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang talumpati sa BRICS Business Forum sa Johannesburg, South Africa, Hulyo 25, na nagsasabing "maaabot lamang ang tagumpay sa pamamagitan ng sipag." Ginamit ni Xi ang tradisyonal na kasabihang Tsino para ilarawan ang mahirap na paglalakbay na nararanasan ng Tsina at ang mga katangi-tanging bunga na natamo ng bansa.
Sa pagbalik-tanaw ng artikulo, noong 1949 nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, 10 bilyong US dollars lamang ang gross national product (GDP) ng bansa at wala itong mabibigat na industriya. Salamat sa pagpupursige ng sambayanang Tsino, unti-unting umuunlad ang bansa sa larangang pulitikal at ekonomiko.
Anang artikulo, ang pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas simula noong 1970s ay nagdudulot ng makasaysayang kasiglahan sa nasyong Tsino sa kabuhayan, siyensya't teknolohiya, depensa, at komprehensibong pambansang lakas. Sa kasalukuyan, bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, umaabante ang Tsina tungo sa pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas sa taong 2020.
Tinukoy rin ng artikulo ang mga kinaharap na problema ng mga mamamayang Tsino na dapat lutasin. Kabilang sa mga mga ito ay ekstensibo pero di-episyenteng paraan ng pagpapaunlad ng kabuhayan, pangangailangan sa paglipat sa de-kalidad na pag-unlad, agwat sa pagitan ng mga kalunsuran at kanayunan, at agwat sa pagitan ng mas maunlad na bahagi ng bansa sa silangan at mas atrasadong lugar sa kanluran.
Anito pa, sa pagtatatag ng may-kaginhawahang lipunan sa mataas na antas ay kailangan ding isakatuparan ang itinakdang target ng pagpapahupa ng karalitaan, kontrolin at pigilin ang polusyon, at palalimin ang reporma sa iba't ibang larangan.
Sa pagsipi ng mga positibong datos ng GDP at iba pang mga pangunahing indicator na pangkabuhaya't panlipunan ng bansa sa taong ito, sinabi ng artikulo na nananatili pa rin ang Tsina bilang isa sa mga bansa na may pinakamalakas na kasiglahan at potensyal sa pag-unlad.
Anang artikulo, ngayon, ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang tadhana, interes, at win-win cooperation ay nagsisilbing komong aspirasyon ng daigdig. Gayunpaman, mayroon pang mga tao na nananangan sa unilateralismo at proteksyonismo, at nagdudulot ito sa hamon sa buong mundo, dagdag pa ng artikulo.
Bilang panapos, inilahad ng artikulo na sa kabila ng mga dinaranas na pagsubok, walang hahadlang sa paghahangad ng mga mamamayang Tsino sa pagkakaroon ng mas mabuting pamumuhay.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |