Naha City — Idinaos Sabado, Agosto 11, 2018, ng 70 libong mamamayan ng Okinawa-ken, Hapon ang malawakang demonstrasyon bilang protesta sa paglilipat ng baseng Amerikano sa Futenma Base patungo sa purok ng Henoko. Hinihiling nila sa tropang Amerikano na itakwil ang pagtatatag ng bagong base sa purok ng Henoko, at agarang sarhan ang Futenma Air Station.
Bukod dito, magkasabay na nagrali nang araw ring iyon ang mga mamamayan sa Hokkaido, Osaka, Nagoya, at iba pang lugar, upang iprotesta ang pagpapasulong ng pamahalaang Hapones ng reclamation construction sa Henoko.
Salin: Li Feng