Nagpulong kahapon, Lunes, ika-13 ng Agosto 2018, sa Geneva, Switzerland, ang United Nations Committee on the Elimination of Racial Discrimination, para suriin ang ulat na isinumite ng Tsina hinggil sa pagpapatupad ng bansa ng International Convention on the Elimination of All Forms of Racial Discrimination.
Sinabi sa pulong ni Xu Hong, Puno ng Department of Treaty and Law ng Ministring Panlabas ng Tsina, na isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang mid-term assessment hinggil sa kalagayan ng pagpapatupad ng National Human Rights Action Plan of China (2016-2020). Aniya, batay sa naturang pagtasa, mainam ang pagpapatupad ng mga nilalamang may kinalaman sa mga etnikong minorya, na gaya ng paglahok ng mga etnikong minorya sa mga suliraning pulitikal sa antas ng estado at lokalidad; pagpapaunlad ng kabuhayan, lipunan, at edukasyon sa mga purok-panirahan ng mga etnikong minorya; pangangalaga sa tradisyonal na kultura ng mga etnikong minorya, at iba pa.
Salin: Liu Kai