Ang mga litratong nakikita ninyo ay ang pagsasanay ng mga estudyante sa Zhaowang School, lunsod Handan ng probinsyang Hebei ng Tsina, sa basic skill ng Chinese opera. Sa bakasyon ng tag-init, isinagawa ng nasabing paaralan ang aktibidad na pinamagatang "Maligayang Pag-aaral ng Chinese Opera habang Nagpapalipas ng Bakasyon sa Tag-init." Sa ilalim ng patnubay ng mga guro, nag-aral ang mga estudyante ng palabas ng opera upang alamin ang tradisyonal na sining ng bansa at palipasin ang isang may-katuturang bakasyon.
Salin: Li Feng