Ipinahayag kamakailan sa media ni Punong Ministro Tuilaepa Sailele Malielegaoi ng Samoa, na interesado lamang ang bansa sa kung paanong kumuha ng tulong mula sa ibang bansa para sa konstruksyon ng imprastruktura, sa halip na geopolitics.
Sinabi niyang nananatiling bukas ang pinto ng Samoa sa lahat ng mga bansang nakahandang magbigay-tulong sa kanyang bansa.
Aniya, palaging maayos ang mga proyekto ng konstruksyon sa Samoa, sa pamamagitan ng tulong mula sa Tsina. Pero, hindi katulad ang kalagayang ito, mula sa ibang bansa, dagdag pa niya.