Agosto 15, 2018, nagwagi kamakailan ang Cambodia People's Party sa halalan ng bansa, nagpadala si Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina ng mga mensaheng pambati kay Hun Sen, Tagapangulo ng Cambodia People's Party.
Ani Xi, nananalig siyang patuloy na pamumunuan ng Cambodia People's Party ang mga mamamayan patungong landas ng pag-unlad na angkop sa aktuwal na kalagayan ng bansa. Ito aniya ay magbibigay ng mas malaking ambag para sa kasaganaan ng bansa, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at katatagan at kaunlaran ng rehiyon.
salin:Lele