Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

American media, pinag-ukulan ng pansin ang pagdinig ng Sec 301 investigation

(GMT+08:00) 2018-08-22 12:04:32       CRI

Sa kasalukuyan, idinaraos ng Office of the United States Trade Representative (USTR) ang 6 na workday na hayagang pagdinig tungkol sa plano sa pagpapataw ng taripa sa mga panindang aangkatin mula sa Tsina na nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares, bagay na nakatawag ng pansin ng iba't ibang panig. Sinabi ng mga ulat ng American media na ikinababalisa ng mga bahay-kalakal ng Amerika ang nasabing isyu, at nanawagang bawasan ang taripa.

Ayon sa resulta ng isang poll ng National Association of Business Economics (NABE) ng Amerika, ipinalalagay ng 91% ng mga respondent na ang umiiral na taripa at ipapataw na taripa sa hinaharap ay magbubunsod ng "di-paborableng epekto" sa kabuhayang Amerikano.

Ayon naman sa ulat ng New York Times, humiling ang mga kompanyang Amerikano sa pamahalaan na huwag magpataw ng taripa sa mas maraming produkto na aangkatin mula sa Tsina.

Sa pagdinig Martes, Agosto 21, ipinahayag ng Fitbit, bahay-kalakal ng pananaliksik at pagpoprodyus ng smart watch ng Amerika, na ang pagpapataw ng taripa sa mga aangkating produkto mula sa Tsina ay makakapinsala sa kakayahan ng inobasyon ng kompanyang ito sa teritoryo ng Amerika, at magpapababa ng kakayahang kompetetibo ng mga produkto nila.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>