Ayon sa ulat kamakailan ng panig opisyal ng Chongqing, munisipalidad sa timog kanlurang Tsina, halos isang taon na ang operasyon ng Southern Transport Corridor, na pinatatakbo ng joint venture ng Chongqing at Singapore, at ang freight service nito ay sumasaklaw sa 107 puwerto ng 55 bansa at rehiyon, na gaya ng Singapore, Hapon, Australya, Alemanya, at iba pa.
Ang Southern Transport Corridor ay nagkakaloob ng serbisyo ng paghahatid ng mga paninda para sa mga lugar sa timog kanlurang Tsina. Sa pamamagitan ng daambakal, inihahatid ang naturang mga paninda mula sa Chongqing patungong Beibu Gulf, at pagkatapos, inihahatid ang mga ito sa pamamagitan ng tranportasyong pandagat sa ibang mga bansa. Noong dati, ang mga paninda mula sa timog kanlurang Tsina ay dapat ihatid sa silangang bahagi ng bansa, para sa tranportasyong pandagat, at gumugol ito ng higit sa 10 araw, kaysa paghahatid sa pamamagitan ng Southern Transport Corridor.
Salin: Liu Kai