![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Manila--Idinaos dito Lunes, Agosto 27, 2018 ang 2018 Hainan International Tourism Island (Manila) Promotion Event, upang ipakilala ang mga yaman at mga patakaran ng lalawigang Hainan ng Tsina sa industriyang panturismo.
Sapul nang simulan ang direktang flight sa pagitan ng Hainan at Manila noong Mayo 29 ngayong taon, balak ng Hainan na ibayo pang pasulungin ang kooperasyong panturismo sa Pilipinas para hikayatin ang mas maraming turistang Pilipino.
Sa nasabing event, ipinakilala ang mga atraksyong panturismo ng Hainan na gaya ng hot spring, masarap na pagkain, at mga magagandang tanawin. Bukod dito, inihalad din ang mga detalye ukol sa mga patakaran ng visa free at duty free sa Hainan.
Hinangaan ni Ramon de Veyra Jr. ang makulay na yamang panturismo ng Hainan. Sinabi niyang sa pamamagitan ng pagpromote ng patakarang visa free at direktang flight sa pagitan ng Hainan at Manila, siguradong darami ang bilang ng mga turistang Pilipino papunta sa Hainan sa hinaharap.
Ayon sa pahayag ng Tourism Development Commission (TDC) ng Hainan, mayroong itong 9 na coastal tourist resorts, 6 na hot spring tourist resorts, 73 golf courses at maraming 5 star hotels. Sinabi ni Chen Yibo, Deputy Inspector ng TDC ng Hainan, na umaasa siyang sa pamamagitan ng nasabing event, mapapalalim ang kooperasyon ng Hainan at Pilipinas sa turismo at ibang mga may kinalamang larangan.
Ayon sa datos ng TDC ng Hainan, mula Enero hanggang Hunyo ng taong 2018, 2315 person-time na turistang Pilipino ang naglakbay sa Hainan at sa loob ng isang buwan mula pagsisimula ng unang direktang flight sa pagitan ng Hainan at Manila, lumaki nang 161% ang bilang ng mga turistang Pilipino sa Hainan kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Ulat/Larawan: Ernest Wang
Web editor: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |