Nag-usap sa Beijing Lunes, Agosto 27, 2018, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Nikos Kotzias, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Greece. Magkasama silang lumagda sa Memorandum of Understanding (MoU) sa pagitan ng dalawang pamahalaan tungkol sa magkasamang konstruksyon ng "Belt and Road." Ipinahayag ni Wang na ang magkasamang pagtatayo ng "Belt and Road" ay magsisilbing bagong growth point ng estratehikong kooperasyong Sino-Europeo.
Ipinahayag ni Wang na ang Greece ay likas na katuwang sa "Belt and Road." Ani Wang, nitong ilang taong nakalipas, natamo ng kooperasyon ng konektibidad ng Tsina at Greece ang mahalagang progreso. Ang kooperasyon ng dalawang panig sa Port of Piraeus ay isang magandang huwaran, aniya pa.
Salin: Li Feng