Ipininid Agosto 25, 2018, ang Smart China Expo ng 2018 sa Lunsod ng Chongqing sa timog kanluran ng Tsina. Ito ang kauna-unahang eksibisyong nagtanghal ng iba't ibang produktong hi-tek.
407 tagapamahala ng mga bahay-kalakal ng siyensiya at teknolohiya na gaya ng Siemens, IBM, Microsoft, Baidu, Ali, Tencent, Huawei, Violet at iba pa ang kalahok, pati na rin ang 202 dalubhasa mula sa mahigit 30 bansa at rehiyon.
Idinaos din ang mga kompetisyon ng unmanned aerial vehicle (UAV), self-driving vehicle at iba pa, kung saan sumali ang mahigit 2,000 kalahok mula sa 9 na bansang gaya ng Amerika, Britanya, Alemanya at iba pa.
Salin:Lele