|
||||||||
|
||
Nitong Sabado, unang araw ng Setyembre, 2018, ipininid sa Singapore, kasalukuyang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang serye ng Pulong ng mga Ministrong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Kooperasyong Silangang Asyano. Sa nasabing serye ng pulong, naaprobahan ang mga dokumentong pangkooperasyong naglalayong pasulungin ang liberalisasyon at pagsasaginhawa ng kalakalan at pamumuhunan.
Sa isang preskon pagkatapos ng pulong, ipinahayag ni Chan Chun Sing, Ministro ng Kalakalan at Industriya ng Singapore, na pumasok na ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) Talks sa pinakamasusing yugto. Nakahanda aniya ang ASEAN na magsikap kasama ng mga dialogue partners nito upang maisakatuparan ang liberalisasyong pangkalakalan at integrasyong pangkabuhayan.
Inulit din ng mga ministrong pangkabuhayan at pangkalakalan ng ASEAN na patuloy na pasusulungin ang agenda ng ASEAN Economic Community (AEC) para mapalakas ang kakayahan ng kabuhayang ASEAN sa pagharap sa mga hamon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |