Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, kasama ng mga lider ng dati at bagong bansang tagapangulo ng FOCAC, nakipagtagpo sa mga mamamahayag

(GMT+08:00) 2018-09-05 09:18:06       CRI

Pagkaraan ng pagpipinid ng 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC), kinatagpo ang mga mamamahayag nina Xi Jinping, Pangulo ng Tsina, Matamela Cyril Ramaphosa, Pangulo ng Timog Aprika, dating bansang tagapangulo ng FOCAC, at Macky Sall, Pangulo ng Senegal, bagong bansang tagapangulo ng FOCAC.

Tinukoy ni Xi na sinang-ayunan ng mga kalahok na lider ng FOCAC na magkasamang lumilikha ng komunidad ng pinagbabahagiang kinabukasan. Batay sa mga pinagtibay na dokumento dapat pahigpitin ang pag-uugnay ng mga estratehiya at koordinasyon ng patakaran, pasulungin ang kooperasyon ng Belt and Road Initiative (BRI), isagawa ang "walong inisyatiba" sa darating na tatlong taon at hinaharap para mapalakas ang kanilang kooperasyon sa mga aspektong kinabibilangan ng kaunlarang industriyal, konektibidad sa imprastuktura, pagpapaginhawa ng kalakalan, berdeng kaunlaran pagpapasulong ng kakayahan, pangangalaga sa kalusugan, pagpapalitan ng mga tao at kapayapaan at seguridad.

Binigyan-diin ni Xi na ang kooperasyon ng Tsina at Aprika ay laging sumusunod sa prinsipyong may mutuwal na kapakinapangan at win-win situation, pagbubukas at pagiging inkensibo. Aniya, umaasa siyang igagalang ng komunidad ng daigdig ang soberanya, opiniyon, at paninindigan ng mga bansang Aprikano, at dapat tupdin ang mga pangako.

Ani Xi, dapat komprehensibo at mabisang isakatuparan ang mga bunga ng Beijing Summit ng FOCAC para magbigay-benepisyo sa mga mamamayan.

Ipinahayag naman nina Ramaphosa at Sall ang pasasalamat sa Tsina para sa matagumpay na pagdaos ng Beijing Summit ng FOCAC. Ipinahayag nilang nakahanda ang Aprika na magsikap para palalimin ang komprehensibong estratehikong partnership ng Aprika at Tsina, magkakasamang pasulungin ang BRI, aktuwal na isakatuparan ang mga bagong hakbanging pangkooperasyon, para lumikha ng mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahagiang kinabukasan ng Aprika at Tsina.

salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>