Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulo ng Tsina at Kenya, nag-usap

(GMT+08:00) 2018-09-05 10:08:08       CRI

Nag-usap Setyembre 4, 2018 sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Uhuru Kenyatta ng Kenya.

Binigyan-diin ni Pangulong Xi na bilang huwaran ng kooperasyong Sino-Aprikano, mabilisang umuunlad ang estratehikong partnership ng Tsina at Kenya sa ibat-ibang larangan. Positibo aniya ang Tsina sa paglahok ng Kenya sa konstruksyon ng Belt and Road, at Asian Infrastructure Investment Bank. Nakahada aniya ang Tsina na bigyan ng tulong ang Kenya sa pagtatatag ng mga economic area at industriyal park. Ipinahayag naman ni Kenyatta na tiniyak ng Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) ang direksyong pangkaunlaran, at susulong ang kasaganaan ng dalawang panig. Pinasasalamatan aniya niya ang pamahalaang Tsino na pinamumunuan ni Pangulong Xi sa pagbibigay-tulong sa Aprika. Nakahanda aniya ang Kenya na palalimin ang komprehensibong estratehikong partnership sa Tsina. Nakahanda itong lumahok sa konstruksyon ng Belt and Road para ibayong pasulungin ang kanilang konektibidad, dagdag pa niya.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>