Ipinahayag Setyembre 6, 2018, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na pumasok kamakailan ang isang navy ship ng Britanya sa teritoryal na dagat ng Tsina na walang pahintulot. Matatag na tinututulan ito Tsina, at iniharap na ang solemnang representasyon sa Britanya dahil sa lubos na kawalang-kasiyahan kaugnay ng insidente.
Noong ika-31 ng Agosto, pumasok ang HMS Albion-class landing platform dock ng Britanya sa rehiyong pandagat sa paligid ng Xisha Islands ng Tsina.
Hinimok ni Hua ang Britanya na itigil ang ganitong probokasyon upang maiwasan ang pagkapinsala sa pangkalahatang kalagayan ng relasyong ng dalawang bansa at kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Binigyan-diin din niyang nakahandang isagawa ng Tsina ang anumang kailangang hakbangin para maipagtanggol ang soberanya at seguridad.
salin:Lele