Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Qingdao Forum ng Kooperasyong Pandagat ng Silangang Asya, idinaos

(GMT+08:00) 2018-09-10 14:21:56       CRI

Qingdao — Mula Setyembre 6 hanggang 7, 2018, idinaos ang 2018 Qingdao Forum ng Kooperasyong Pandagat ng Silangang Asya.

Ipinahayag ni Wang Hong, Puno ng Pambansang Kawanihan ng Dagat ng Tsina, na ang plataporma ng kooperasyong pandagat ng Silangang Asya ay mahalagang proyekto ng pagpapalalim ng kooperasyong pandagat ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina, Hapon, at Timog Korea (10+3). Natamo aniya ng kooperasyong ito ang substansyal na progreso.

Ipinahayag din ni Sun Jiye, Pangalawang Gobernador ng probinsyang Shandong ng Tsina, na ang nasabing plataporma ay isang pangunahing hakbangin para sa pagsasakatuparan ng "Belt and Road" Initiative. Ito rin aniya ay mahalagang plataporma ng pagpapalalim ng kooperasyong pandagat ng 10+3.

Sapul nang pormal na pasimulan ang pagtatatag ng plataporma noong 2016, dalawang taunang porum ang matagumpay na idinaos. Dumalo rito ang mahigit 580 panauhin at mahigit 630 bahay-kalakal mula sa 38 bansa't rehiyon.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>