Nanning, Tsina-Kinatagpo Setyembre 11, 2018 ni Pangalawang Premyer Han Zheng ng Tsina ang mga lider ng mga bansang ASEAN na dumalo sa Ika-15 China-ASEAN Expo. Ang mga lider ng ASEAN ay kinabibilangan nina Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya, Pangalawang Pangulong Myint Swe ng Myanmar, Pangalawang Punong Ministro Vuong Dinh Hue ng Biyetnam, at Pangalawang Punong Ministro Somdy Douangdy ng Laos. Ipinahayag ni Han na sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng mga bansang ASEAN para palalimin ang pragmatikong pagtutulungan, at pasulungin ang konstruksyon ng community of shared future ng Tsina at ASEAN.