Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lider ng Tsina at Singapore, nag-usap

(GMT+08:00) 2018-09-12 12:02:50       CRI

Nag-usap Setyembre 11, 2018 sa Hanoi sina Pangalawang Premyer Hu Chunhua ng Tsina at Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore.

Ipinahayag ni Hu na nananatiling matatag ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Singapore. Aniya, suportado ng Tsina ang mga gawain ng Singapore bilang tagapangulong bansa ng ASEAN. Positibo aniya ang Tsina sa ambag ng Singapore sa pagpapasulong ng Regional Comprehensive Economic Partnership. Nakahanda aniya ang Tsina na ibayong palalimin ang pragmatikong pakikipagtulungan sa ASEAN. Umaasa aniya siyang pahihigpitin ang mataas na pagpapalitan ng Tsina at Singapore, at patataasin ang kalidad ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa kabuhayan at kalakalan. Aniya, idaraos ng Tsina ang International Import Expo sa susunod na Nobyembre, at inaasahang lalahok ang Singapore sa pagtitipong ito.

Ipinahayag naman ni Lee na nakahandang magsikap ang Singapore, kasama ng Tsina para pasulungin ang talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership, para maisakatuparan ang kasaganaan at kaunlaran ng rehiyon. Aniya, gaganap ng konstruktibong papel ang Singapore para ibayong palalimin ang pagtutulungan ng Tsina at ASEAN.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>