Idinaos Setyembre 15, 2018 ang World Internet of Things (IoT) Exposition sa Wuxi, Tsina. Ayon sa "Taunang Ulat ng Pag-unlad ng IoT ng Tsina" na inilabas sa nasabing expo, noong 2017, ang IoT ng bansa ay pumasok sa yugtong may substansyal na pag-unlad. Noong isang taon, ang kabuuang halaga ng pamilihan ng IoT ng bansa ay lumampas sa isang trilyong yuan RMB. Ito'y lumaki ng mahigit 25% kumpara noong taong 2016, samantalang ang Cloud Platform ng IoT ay nagiging nukleong larangan ng kompetisyon.
Ang expo ay binubuo ng 5 bahagi na kinabibilangan ng komunikasyon ng IoT at tagasuporta ng plataporma, smart manufacturing at sensors, smart life, smart transportation, at smart city. Limandaan at dalawanpu't anim(526) na bahay-kalakal at organisasyong mula sa halos 20 bansa at rehiyon ang kalahok sa expo.
salin:Lele