|
||||||||
|
||
Ang Shanghai Yangshan Deep Water Port ay isang puwertong may halos 13 taong kasaysayan, na matatagpuan sa Shanghai, isa sa mga pinaka-modernong lunsod sa silangang baybaying-dagat ng Tsina.
Noong katapusan ng nagdaang taon, sinimulang maisaoperasyon ang Phase IV pier ng puwertong ito, na pinakamalaking automated container terminal sa daigdig.
Mahigit 2 milyong metro kuwadrado ang kabuuang saklaw ng Phase IV pier, at 2350 metro ang haba ng baybayin nito.
Ginagamit sa piyer na ito ang mga automated handling equipment na idinisenyo at niyari sa Tsina. Halimbawa, ang mga makinang ginagamit para ikarga at idiskarga ang mga container, na kinabibilangan ng bridge crane, automated guided vehicle (AGV) at rail-mounted gantry crane, ay pawang niyari ng Shanghai Zhenhua Heavy Industries Company.
Ang automated guided vehicle ay isang makinang may maunlad na teknolohiya. Sa pamamagitan ng magnetic nail positioning system sa ilalim ng lupa, automatikong tumatakbo ang mga sasakyang ito, at puwedeng umigtad ang isang AGV, nang isang metro ang layo sa ibang AGV, para hindi magbanggaan ang dalawang ito.
Bukod dito, ginagamit din sa Phase IV pier ang automated management system, na idinebelop sa loob ng bansa, para igarantiya ang kaligtasan at episiyensiya ng mga makina.
Sa pamamagitan ng mga maunlad na teknolohiyang ito, umuupo lamang sa loob ng opisina ang mga manggagawa, para paandarin ang mga makina sa piyer. Ito ay hindi lamang nagbibigay-ginhawa sa trabaho ng mga manggagawa, kundi nagpapataas din ng episiyensiya ng puwerto.
Sa kasalukuyan, ginagamit sa Phase IV pier ang 26 na bridge crane, 120 rail-mounted gantry crane, at 130 AGV. Sa pamamagitan ng mga ito, ang taunang handling capacity ng Yangshan Port ay umaabot sa 40 milyong TEU (Twenty-foot Equivalent Unit). Ito ay katumbas ng kabuuang taunang handling capacity ng lahat ng mga puwerto sa Amerika, o 10% ng bolyum ng lahat ng mga puwerto sa buong mundo.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |