Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bangko Sentral Governor Espenilla, magpapagamot

(GMT+08:00) 2018-09-19 11:19:03       CRI

SASAILALIM sa pagpapagamot si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor A. Espenilla Jr. sa susunod na dalawang linggo.

Ito ang kanyang mensahe sa mga mamamahayag kanina. Mula bukas hanggang ikalawang araw ng Oktubre ang kanyang bakasyon. Magugunitang nabanggit niyang mayroon siyang kanser sa dila na nabatid noong Nobyembre ng 2017.

Noong nakalipas na Marso, sinabi niyang natapos na niya ang kanyang radiation treatment at umaasang makakabalik na sa normal ang kanyang kalagayan.

Si BSP Deputy Governor for Financial Supervision Sector Chuchi Fonacier ang magiging officer-in-charge.

Magpupulong ang Monetary Board sa darating na Huwebes, ika-27 ng Setyembre upang pag-usapan kung mangangailangan ng pagbabago sa kanilang monetary policies.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>