Ayon sa Konseho ng Estado ng Amerika, nakatakdang dumalaw sa Hilagang Korea si Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika sa susunod na Oktubre ng taong ito. Ito ay para pasulungin ang pagsasakatuparan ng mga komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang panig sa Singapore.
Ayon sa ulat, nakipag-usap kahapon, ika-26 ng buwang ito sa New York si Pompeo kay dumadalaw na Ministrong Panlabas Ri Yong Ho ng Hilagang Korea. Tinalakay, pangunahin na ng dalawang lider ang hinggil sa pagdaraos ng bagong round ng diyalogo ng mga lider ng Amerika at Hilagang Korea, at hakbang para sa pagsasakatuparan ng denuklearisasyon ng Peninsula ng Korea sa hinaharap.