Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paglalabas ng warrant of arrest laban kay Senador Trillanes, ipinagpaliban

(GMT+08:00) 2018-09-28 17:57:05       CRI

HINDI itinuloy ng isang hukuman sa Makati City ang paglalabas ng kautusang inaasahang darakip kay Senador Antonio Trillanes IV. Ito ang tugon ng hukuman sa kahilingan ng Department of Justice na maglabas ng kautusan laban sa mambabatas.

Ayon kay Atty. Rey Robles, abogado nni Senador Trillanes, natanggap niya ang tatlong pahinang kautusan pasado ikatlo ng hapon.

Hindi muna itinuloy ang pagdedesisyon sa kahilingan ng Department of Justice at binigyan ang magkabilang panig ng panahon upang maglabas ng mga ebidensya kung nag-file ba o hindi ang mambabatas ng application for amnesty sa ilalim ng Proclamation 75 bago siya nabigyan ng amnesty noong 2011 at kung nagkaroon ba o walang pag-amin ng kasalanan noong magparating siya ng kanyang application at nabigyan ng amnesty.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>