|
||||||||
|
||
Ang dokumentong ito ay para ipatupad ang patakarang inilabas sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC, hinggil sa pagbibigay ng mas malaking awtonomiya para sa reporma ng mga pilot free trade zone ng bansa. Nakalakip dito ang mga konkretong hakbanging paiiralin sa 12 pilot free zone ng Tsina, para isagawa nila ang pagsubok sa mga inobasyong naglalayong pasulungin ang mas mahusay na takbo ng mga pilot free trade zone sa iba't ibang aspekto.
Sa kasalukuyan, ang pagbuo ng primera klaseng kapaligirang pang-negosyo ay isa sa mga pangunahing gawain ng mga pilot free trade zone ng Tsina. Ang kapaligirang pang-negosyo ay isang kumplikadong sistemang may maraming aspekto, at pagdating sa kalakalang pandaigdig, tumutukoy ito sa pagpapasimple ng mga prosidyur ng transaksyon. Nitong ilang taong nakalipas, ginawa ng mga pilot free trade zone ng Tsina ang mabuting pagsubok sa aspektong ito. Ini-adopt nila ang ideyang iniharap ng United Nations hinggil sa pasilitasyong pangkalakalan, at ipinagkakaloob ang one-stop service sa mga kompanyang nagsasagawa ng kalakalang pandaigdig sa pamamagitan ng paraang elektronikal. Dahil dito, lubos na napasimple ang mga prosidyur, at malaking bumaba ang gugulin sa transaksyon.
Samantala, mayroon ding bottom line ang inobasyon ng mga pilot free trade zone ng Tsina, at ito ay hindi makaapekto sa katiwasayang pangkabuhayan ng bansa. Batay sa bottom line na ito, isasagawa ng mga pilot free trade zone ang mga pagsubok sa iba't ibang aspekto, na gaya ng paglikha ng magandang kapaligirang pampamumuhunan, pagpapataas ng lebel ng pasilitasyong pangkalakalan, pagpapasulong sa paglilingkod ng inobasyong pinansyal sa real economy, paggamit ng yamang tao, at iba pa. Ang mga matatamong karanasan ay palalaganapin sa buong bansa, at sa bandang huli, pasusulungin ang ibayo pang pagbubukas sa labas ng Tsina.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |