Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga maliliit na mangangalakal sa Bicol tampok sa isang Trade and Travel Fair

(GMT+08:00) 2018-10-02 18:00:31       CRI
AABOT sa 164 mga maliliit at maituturing na small and medium enterprises sa buong Bicol Region ang lalahok sa apat na araw na OKB-Exciting Bicol Regional Trade and Travel Fair mula sa Huwebes, ika-apat ng Oktubre hanggang Linggo sa 5th level ng SM Megamall.

Makakasama ang 52 bagong mga mangangalakal na mabibigyan ng marketing assistance ng Department of Trade and Industry. Makakasama rin ang 322 bagong mga produkto mula sa product development activities ng Department of Trade and Industry.

Kasama sa pagtitipon ang OKB Association sa programang binuo ng Department of Trade and Industry at Department of Tourism sa Bicol. Isinusulong ng samahan ang mga produktong gawa sa rehiyon upang makilala na rin sa pandaigdigang pamilihan.

Na sa ika-22 taon na ang OKB-Exciting Bicol na magtatampok ng mga damit, mga produktong gawa sa rehiyon, mga alahas, kagamitang panggtahanan at iba pa.

Umaasa si Director Jocelyn Los Banos Blanco na maraming makadadalo sa pagtitipon mula sa Huwebes.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>