Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Pilipino at Embahador Tsino, nagtagpo

(GMT+08:00) 2018-10-09 11:03:41       CRI

Manila--Nagtagpo Lunes, ika-8 ng Oktubre, 2018 sa Malacanang sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas at Embahador Tsino Zhao Jianhua sa bansang ito, para talakayin ang mga isyung gaya ng relasyong Sino-Filipino.

Iniabot ni Zhao ang pangungumusta kay Pangulong Duterte mula sa kanyang counterpart na si Xi Jinping ng Tsina. Nagbigay naman si Duterte ng positibong pagtasa sa mainam na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at kanilang mga aktuwal na kooperasyon sa iba't ibang larangan.

Ipinahayag ni Duterte na puno siya at buong sambayanang Pilipino ng pananabik sa gaganaping unang beses na dalaw pang-estado ni Pangulong Xi sa Pilipinas. Naniniwala aniya siyang ang nasabing pagdalaw ay magiging milestone sa kasaysayan ng relasyong Sino-Filipino. Dagdag pa niya, nakahanda ang Pilipinas na pahigpitin, kasama ng Tsina, ang mga kooperasyon at gawaing paghahanda para maigarantiya ang kaligtasan, kaayusan at tagumpay ng pagdalaw ni Xi.

Inaabot ni Zhao kay Duterte ang magiliw na pagbati ni Xi. Masusing inilahad din ni Zhao ang mga natamong progreso at plano sa relasyon ng dalawang bansa at mga aktuwal na kooperasyon sa iba't ibang larangan. Binigyang-diin ni Zhao na nakahanda ang Tsina na pahigpitin, kasama ng Pilipinas, ang mga kooperasyon para maigarantiya ang tagumpay ng pagpapalagayan ng dalawang bansa sa mataas na antas at pasulungin ang relasyong Sino-Filipino sa bagong antas.

Sumama sa nasabing pagtatagpo sina Alan Peter Cayetano, Kalihim ng Ugnayang Panlabas; Carlos Dominguez III, Kalihim ng Pananalapi; Delfin Lorenzana, Kalihim ng Tanggulang Bansa; Alfonso Cusi, Kalihim ng Enerhiya; Arthur Tugade, Kalihim ng Transportasyon; Vivencio B. Dizon, Tagapangulo ng Bases Conversion and Development Authority; at Harry Roque, Tagapagsalita ng Pangulo.

Report: Ernest Wang

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>