Sa sesyong plenaryong idinaos kahapon, Biyernes, ika-12 ng Oktubre 2018, inihalal ng Ika-73 Pangkalahatang Asembleya ng United Nations ang 18 bagong miyembro ng United Nations Human Rights Council. Papasok ang 18 bansang ito sa puwesto sa unang araw ng susunod na taon, para halinhan ang mga miyembro na matatapos ang termino sa katapusan ng taong ito.
Ang naturang 18 bansa ay Pilipinas, Indya, Fiji, Bangladesh, Bahrain, Burkina Faso, Togo, Cameroon, Somalia, Eritrea, Bulgaria, Czech, Italya, Austria, Denmark, Bahamas, Uruguay, at Argentina.
Salin: Liu Kai